17/05/2005
This is really cute!
hindi ko akalaing mabibigyan mo ako ng isang problema; problemang hindi ko alam kung dapat ko ba talagang problemahin. sobrang ang gulo-gulo na ng isip ko; hindi ko na nga matukoy kung ano na'ng gagawin.
nung una kitang makita at ganun ka rin naman, hindi ko maikakaila: ang ayos mo nung araw na iyon ay talagang natawag ang pansin ko kaya, hindi malayong humanga sa iyo ang isang kaibigan ko. pero, kahit ganon, hindi ko alam pero wala akong napansin sayong kakaiba; ordinaryo ka lang kung baga.
naalala ko, nung una ko iyong napansin, naglalakad tayo, pauwi, sa kanya-kanya nating tahanan, galing sa trabaho natin. hindi ko alam pero, parang napansin ko na lang bigla.
pinapaalam mo ba talaga o sadyang malakas lang ang pakiramdam ko?
napapansin ko siya, habang tayo nga ay naglalakad, papunta ng bahay namin kasi napagkasunduan natin na pumunta muna tayo sa bahay namin.
ilang araw ang nagdaan at nagsama na naman tayo, dahil ulit sa trabaho natin. lagi naman tayong magkasama diba?
papabilisin ko na lang ang oras. kunwari, tapos na ang trabaho natin. at, heto na naman, pauwi na naman tayo, kasama ang grupo. nakasakay tayo sa iisang sasakyan. hindi ko alam kung iniwan mo ba talaga o sadyang naiwan mo lang: ang gitara mo na iyong dala-dala, na naiwan sa sasakyan, matapos mong bumaba.
iniabot ko ito sa iyo at nang kinuha mo ito sa akin, napansin ko lang. ngunit, hindi ko alam kung sinadya mo ba talaga o hindi: na hawakan ang kamay ko, maging haplusin ay nagawa mo. hindi ko ito naisip kaagad. naisip ko lang siya ilang araw na ang nakalipas...
at ngayon, sasabihin ko na, kung paano ko talaga nalaman.
may nagsabi kasi sa akin may gusto ka raw sa akin.
hindi naman ako kaagad nagulat, hindi rin naman ako kaagad kumibo.
kung bakit? kasi, parang napansin ko na rin siya dati pa, kahit nung hindi pa niya pinaalam...
mahina nga yata talaga akong pumick-up. kasi, hindi ko kaagad nahalata. sinasabi na nila, pinapaalam na nila, hindi ko pa nakuha! talagang ordinaryo ka lang kasi sa akin. pero, tingin ko, noon yon...
nung nalaman ko iyon, bigla akong nagtanong sa sarili ko: 'ano bang meron sakin? bakit kaya? simple lang naman ako. minsan nga, tila pa ako ewan na bigla na lang gagawa ng isang bagay tapos, maya-maya ay tatahimik. pero, bakit kaya?'
napaisip pa tuloy ako ng lalo.
kasi, kung hindi mo alam, minsan napapansin at nahuhuli kitang tumitingin sa akin. minsan nga, nakikita ko, parang hinahanap ng mga mata mo ang mukha ko. akala mo, hindi ko napapansin, ano!? napapansin ko yon... hindi naman kita tinitignan pero bigla na lang napupunta ang paningin ko sa iyo. marahil, inoobserbahan ka lang nitong mga mata ko.
tapos, minsan, isang beses, parang sinubukan mo yatang hawakan ang kamay ko. paano ko naramdaman? naramdaman ko siya... hindi ko alam kung sinubukan mo talagang hawakan ito o sumayad lang ang kamay mo sa akin.
nung isang araw na lumiban sa trabaho ang barkada, at kami ay nakasakay sa ibang sasakyan, hindi pa ako nakakababa ng sasakyang sinakyan namin, hinahanap mo na ako. nauna kasi kayong nakarating doon. nakikita kita sa mula sa loob, akala mo. hinahanap mo talaga ako, pinipilit mo talaga akong makita.
hindi naman sa nagmamayabang ako pero, minsan, pwede rin namang palagi: napapansin ko, nahahalata, nahuhuli na parang hindi ka mapalagay kapag hindi mo ako nakikita.
ito lang ang napapansin ko. hindi pa ako sigurado sa lahat ng mga ito. sinasabi ko lang ang mga bagay na madalas kong napapansin. alam mo, ba, hinihintay lang kitang sabihin mo sa akin ang totoo. para naman, hindi na ako nangangamba pa ng ganito. marami na rin akong napapansing may 'pagtingin' sa akin at dalawa sa kanila ay totoo nga. hindi ko masasabi ang nasa isip ko ngayon dahil ayokong mag-assume. tandaan mo, pinapahirapan mo ako. kahit hindi ko at mo man gusto pero, pinapahirapan talaga ako nitong nalalaman ko... sana, maunawaan mo ang kondisyon ko ngayon... maawa ka...
kung hindi mo rin alam, hinihintay lang kitang magsalita. kasi, pakiramdam ko, iba ka na sa akin. iba na talaga.
-----napulot ko lang itong story na to. natuwa lang kasi ako kaya, nilagay ko dito... ikaw. baka ganito rin story mo... hehe! ang cute talaga...
09:25 Posted in .historiyas. | Permalink | Comments (0) | Email this
15/05/2005
...KAPE...
"bakit sya nagkaganyan, dok?" tanong ng kanyang professor.
"mahabang istorya", ika ng doktor.
"may panahaon ako upang makinig."
napatingin si dok sa mga mata ng mauisang guro at sinabing, "ikukwento ko na sa iyo pero sa tingin ko, hindi ka maniniwala."
"hhmm... subukan nyo na lang ho. wala namang masasayang kundi oras lamang, diba?"
may sadyang katahimikan sa pagitan ng dalawa, na tila paghahanda sa paglahad ng isang kwento na ni ang kwentista'y hindi makapaniwala.
***
"talagang karakter ka, noh Simon”, hinagpis ng ikalawang babae ni Simon ngayong linggo.
“ngayon mo lang nalaman! Akala ko ba matalino ka!?”, sabay tawa ng sarkastikong Simon sa naulinag.
“ohh, talagang wala ka lang silbi! Anong tingin mo sa aming mga babae, LARUAN!?”
“hhmm... Cherie, bakit mo pa ba tinatanong ang bagay na iyan? Alam mo na naman ang sagot, diba!?”
“lumayas ka dito! wala kang kwentang tao! Makakahanap ka rin ng katapat mo. Lumabas ka na’t habang nakakapagtimpi pa ako...”
“paalam, Cherie!”, sabay lakad ni Simon patungo sa pinto, ni walang lingon, animo’y walang pananagutan.
At sa galit ni Cherie, sinumpa niya si Simon, “mamamatay ka rin at sana ay masunog ang kaluluwa mo sa impyerno.”
Ito’y isang gabi katulad ng mga gabing pinalipas ni Simon Sibacio. Siya at ang kanyang matalik na kaibigan na si Parmisano Silayan ay nagkita na naman sa isang kapehan sa puso ng Makati matapos ang gabi ng pagliliwaliw, nag-uusap, nagdidiskurso at nagtatawanan ukol sa linggong nakalipas.
“talaga, pare! Sinabi nya yon! Lupet!”, ika ni Parmi.
“sobra Parmi. Biro mo ‘yon! Hindi ba niya alam na laro lang lahat ng yon! Sobrang ewan talaga sya talaga kung tatanungin mo ako...”, sabay tawa ni Simon. “uhmm... isa pa ngang Venti Mocha Frappe”, ukol ni Simon sa barista.
Tumahimik ang kapaligiran hanggang sa muling nagbukas ng bibig si Parmi, “pero, seryoso, Sio. Minsan ba, naisip mo na baka balang araw balikan ka ng karma?... kasi nag-isip-isip ako ngayong nakalipas na araw, kung tama ba itong ginagawa nating panloloko.”
“KARMA!? Parms, nalalambot ka na ba!? Ikaw sa lahat ng tao ang dapat makaalam na walang karma! You are an atheist, aren’t you? O di kaya may problema si Boggart?”
“si Boggart? Wala. Pero, oo. Oo. Alam ko ang punto mo. ngunit may paniniwala rin naman ako at isa na rito ang karma.”
“alam mo pare, para sa isang walang pananampalataya sa Diyos, ikaw lang yata ang sumusunod sa lahat ng Kanyang utos, puera na lang sa di mo paniniwala sa Kanya... Kakaiba ka talaga! Pero yung sinabi mo, may kabuluhan. Oo, alam ko ein naman ang ibig sabihin ng karma.”
“marahil, tama ka nga. pero, kahit papaano, may takot rin ako sa Kanya. Ikaw? Meron ba?”
“hindi ko alam, eh!”
Itinaas muli ni Simon tungo sa kanyang nag-aabang na bibig ang kapeng tila nagpapakalma sa kanya at sinabing, “hhmm... mag-aalas dos na ng umaga. Magsasara na sila. So, pano pare? Mauna na ko sayo! Meron pa kong meeting mamayang 8 eh! Sa susunod na sabado na lang ulet. Sige! Ingat ka ha!”
“okay pare! Ingat ka rin. Oge! Kita na lang sa sabado”, ang mga huling narinig ni Simon bago sya lumabas upang magsimulang maglakad patungo sa kanyang apartment. Habang naglalakad, napatingin siya sa magkatipang nadaan niya na magkahawak-kamay sa kabilang dako ng kalye at sinabing, “beware baby. Niloloko ka lang niyan!”, sabay ang paghagikhik sa nakitang dungis ng naalintanang kalokohan ng baliw na pag-ibig. Ang kanyang halakhak ay bumasag sa karimlan ng gabi.
At sa kanyang paglalakad sa kalye na di kalayuan sa pinanggalingang kapehan, siya’y nagulantang sa narinig. Mga yapak, “thump, thump”, na tila gaya sa direksyon ng yapak ng kanyang mga paa. Bigla siyang lumingon, ngunit walang tao sa paligid kundi siya. Nagsitayuan ang mga balahibo ni Simon, nanghilakbot ang kanyang malay at binilisan ang daos ng kanyang paglalakad. Ngunit ang tunog ng mga yapak ay pumaparehas sa bilis ng kanyang pagsulong, ngayon ay para na siyang hinahabol ng kung sinumang taranta.
Subalit, siya’y biglang napatigil ng may narinig na nakababagabag na pagsita. “PSSST, pssst, nandito kohh...”, boses ng isang babae. Ngunit saan? Sa kaliwa, sa kanan, sa likod, sa harap, SAAN? Nahilo si Simon sa kakahanap sa kung saan nanggaling ang boses na pumipiring sa kadiliman, maano’t siya lamang ang tao taong naroon sa ilalim ng buwan ngayong alas dos. “sino ka? Wag mo akong paglaruan, magpakita ka! Parmi, kung ikaw lang yan, hindi ito magandang biro”. Ngunit walang sumagot. Sa kanyang isip, naulit ang mga salita ng kanyang kaibigan: “karma... hindi ka ba takot sa karma?”
Palakad na si Simon nang nanlaki ang kanyang mga mata nang siya’y may nadama sa kanyang balikat, animo’y siya’y KINALABIT, kinuha ang hangin, isang beses, dalawa, tatlo. Nakapikit na humarap si Simon, at nang buksan niya ang kanyang takot na mga mata, “AAAAAAAHHHHHHH!”. Isang babaeng hubad sa kanyang harapan na tila nakakatitig, ngunit siya’y walang mga mata, siya’y wala ni MUKHA.
Nagising si Simon sa sinag ng araw. Panaginip lamang pala ang lahat. Ngunit sa pagbalik ng kanyang malay, may nararamdaman siyang malalambot na kamay sa kanyang ulo, pababa sa kanyang balikat. “ooohhh!”, ungol ni Simon. Ngunit iba ang kaba ng kanyan puso dahil nang pauwi siya ay wala naman siyang kasama. Mag-isa lamang siya. “AAAAAAHHHHH!!!”, nakakakilabot na sigaw ni Simon. Ang babaeng walang mukha mula sa kanyang panaginip, hayun at nasa kanyang likuran, minamasahe sya.
“krriiinnnggg, kriiinnnggg!”, alas dos na ng umaga. “Napakasamang panaginip”, ika ni Simon, sabay tayo sa kanyang kama at diretso sa kasilyas upang maghilamos. “sshhh, (agos ng tubig mula sa gripo. Walang kokontra, ha! Tubig yan. XD) basa ang kanyang mukha sa harap ng salamin. “good morning Simon, panaginip lamang ang lahat, panaginip lamang”.
Subalit, ng maaninag niya ang kanyang tukador, bigla siyang nagulantang sa kanyang nakita. Isang puting kamison, nakasabit sa kanyang antigong aparador. Lumaki ang lumuluhang mata ni Simon sabay ang dagliang pagtakbo niya tungo sa kanyang kama. Siya ay nagtalukbong sa takot na tila isang asong pinutulan ng buntot. Nagpapaulit-ulit sa kanyang isip na marahil ay patay na siya at ito ang impyernong sumpa ni Cherie. “tigilan mo ko! TIGILAN MO KO!”, paulit-ulit na sigaw ni Simon.
At sa ilalim ng kumot, nakaulinag ang kanyang tenga ng isang boses, isang binibining kumakanta sa himig... “loving you, hmm hmm, such an easy thing to do oohh ohh ohh...”. umupo ang nanginginig na Simon sa kanyang kama, umuugong paharap, patalikod, paulit-ulit, habang naririnig ang boses nang kumakantang babae. At nang lumakas ang kanyang loob sa pagkakataong di niya alam kung papaano, tumayo siya’t nagsimulang bumaba sa hagdan upang harapin ang bangungot. Tumatagaktak ang kanyang pawis maging ang luha habang patuloy sa pagpanaog, tatlo, lima, pitong hakbang pababa. At nang makarating sa sala, lubos ang kanyang hilakbot, naaninag niya ang babae mula sa kanyang panaginip, nakatalikod, ga-baywang ang napakaitim na buhok, animo’y may ginagawa sa kusina, sa kusinang namumula sa mantiya ng dugong tumutulo mula sa kisame. At sa huli niyang hininga, ang babaeng walang mukha’y biglang humarap sa kanya at sinabing, “simoooonn, gusto mo pa ba ng KAPE?”
“sinabi ko na sa’yo di ito kapanipaniwala”, ika ni doc habang nakatingin sa kanyang nakatulalang pasyente.
“ngunit, ano ho sa palagay niyo. Totoo kaya ang sabi-sabi? Yoon kaya ang sanhi ng kanyang pagkabaliw?”
napatingin muli si doc sa kawawang pasyenteng umuugong sa kanyang upuan, nakasilip sa dungawan at nakatingin sa blanko ng kalangitan at sinabing, “Catatonia. Yan ang sakit niya. Wala nang iba. Tara na. marami pang pasyente.”.
sinara ni doc ang pintuan ng kwarto ni Simon sa institusyon ng mandaluyong at nagsimulang lumayo.
07:35 Posted in .historiyas. | Permalink | Comments (0) | Email this
18/03/2005
Ang bunga ng sem break!!!
Last Dance
Here is a story about two bestfriends who fell in love with each other but both kept it a secret. These two bestfriends are Allan and Jenny. Allan is a good person, a gentle man and a shy person. Jenny, on the other side, is a jolly, happy-go-lucky person and smart.
Their friendship started when they are third year high school. At that time, hindi pa sila close. Hindi pa kasi sila classmates pero nag-aaral sila sa same school. Allan first saw Jenny in their school play, playing the role of Juliet in the very popular love story “Romeo and Juliet”. Then Allan easily fell in love with her that time. Parang “love at first sight”. After the play, he went backstage and asked for her name. Allan kept on approaching her and then, they became friends, later became bestfriends. Sometimes, when they are walking around the campus together, their classmates tease them,
“Kayo na pala! Bakit hindi nyo sinabi sa amin?”
“Ano ba kayo! Bestfriends lang kami nito ni Allan. ‘Di ba Allan?”
“Ha! Hindi ko alam. Oo naman. Bestfriends lang kami nito ni Jenny.”
Their friendship stayed stronger and Allan is still silent about his feelings for Jenny. In addition, Jenny, without Allan knowing it, is starting to fall in love with him. Okay na sana ang relationship nila but one night, an incident happened to Allan.
While driving back home with his car, his head ached as if this pain would kill him. It was very painful that he could not see his way back home. Thank God that he did not met an while driving.
When Allan got home, he lied on their sofa and shouted,
“Ma! Ma! Help! Aaahh! Ang sakit ng ulo ko! Ma!”
When his mom, Mrs. Rebecca Francisco, saw him in his condition, she rushed to the telephone and called an ambulance. They rushed him to the nearest hospital.
At the hospital, the doctors examined him. After the examination, one of the doctors who examined him talked to Mrs. Francisco.
“Mrs. Francisco, Right? I am sorry to tell you but your son…… has a brain tumor. It’s too late before you and your son discovered it. The tumor already exist, we think, nung 10 years old pa siya. Tapos, highscool na siya ngayon. I’m very sorry to tell you but he only has one month to live. We’re very sorry, Madame.”
His mother was shocked and cried.
On Jenny’s side, at the time while Allan was driving, she felt something weird. It seems like someone is forcing her to call up Allan, she didn’t know why. So, she prayed that nothing unwanted happen to him.
Because of the incident happened to Allan, the doctors did not permit him to attend school. When Jenny noticed that she’s not seeing Allan for almost a week, she called him up. And every time she calls, nobody’s answering. So, she then finally decided to visit him.
“He is on a vacation. His grandfather wanted to see him. Don’t worry! He’ll be back. I will call him later and tell him that you visited him”, her mother explained.
Jenny missed Allan very much. And Allan, still lying on his bed, also missed her. Allan stayed in the hospital for almost a month.
While Jenny was walking in the campus corridor together with her friends, they saw a poster about the up-coming JS Prom. She then told Allan about that.
“Can we be partners? Ikaw lang kasi ang gusto ko, eh! Matagal ka pa ba dyan sa lolo mo? Miss na kasi kita. Uwi ka na.”
“Sige ba! Ikaw lang din kasi ang gusto kong makasama. Dito naman sa lolo ko, malapit na akong umuwi. ‘Wag kang mag-alala. Uuwi din ako. Kalian ba yung prom?”
“Feb 14. ‘Di ba Valentine’s Day! Basta, punta ka ha! Okay?!”
“Okay! I’ll come! Don’t worry.”
After that call, Allan pleased his doctor to allow him to attend the prom.
“Let me ask your mother first.”
The doctor called Mrs. Francisco.
“Okay! Hahayaan ko na siyang maging masaya kahit sa pinakahuling sandali ng buhay niya. Sige po, doc. Papuntahin nyo na po siya sa party.”
“Hayan. Pumayag na ang mommy mo. friend mo ba yung tumawag kanina? You have to be strong for her. ‘Wag kang susuko.”
The night came. Jenny, still in their house, is waiting for Allan to pick her up. Then a minute later, Allan came. They went to the party together. When they got there, it seems like they can’t be separated. They walk around the room, eat lots of foods and do the things they want to do. They’re enjoying the night. When Allan heard a love song played, he asked Jenny,
“Pwede ba kitang isayaw?
“Syempre naman! Pero, ‘Wag mong tapakan ang paa ko ha! Joke lang!”
They danced and danced. Then Allan, thinking it’s the best time, say his last words to Jenny.
“Jenny, ang ganda mo ngayon. ( lalo akong naiinlove sa’yo) .Jenny, I think, I think this is my last dance with you. Take care of yourself. Be strong kahit wala na ako. Okay! I love you.”
“Ano ka ba! Parang mamamatay ka na ha! Tumigil ka nga. Baka mamaya matuluyan ka dyan. Sige ka!”
Jenny thought that Allan was just kidding. So, hindi niya pinansin.
The party was over. They were not chosen as the prom King and Queen. Pero, ayos lang.
The day after the prom, Allan is still sleeping. It seems like he’s very tired. But, it’s already 2:00 in the afternoon and still, he’s sleeping. What happened? Is he ? His mom tried to wake him up and then she noticed that he’s not breathing. She checked his heart and it’s not beating. He’s ! His mom accepted the truth. Mrs. Francisco quickly call Jenny and tell her about what happened to him.
“Tita, hindi po magandang biro yan. Kung gusto lang po akong makita ni Allan, punta na lang po ako dyan. ‘Wag naman po kayong magbiro!”
“Jenny, I’m not lying. Kung gusto mo, pumunta ka dito.”
She rushed into their house. When she got there, she quickly run into Allan’s room and she saw him sleeping. Then there, his mom explained Allan’s condition. Then, Jenny recalled what Allan had said to her last night.
Jenny embraced her and said,
“Bakit hindi mo sinabi sa akin. Why! Why! Why! Akala ko ba, bestfriends tayo! Ang aga mo naman akong iniwan. Akala ko ba mahal mo ‘ko!?”
“So, sinabi na niya sa’yo.”
“Ang alin po?”
“Na he loves you?”
“Pero, I thought, nagbibiro lang po siya.”
She embraced him again and said,
“Ako din. I love you. Pero, bakit hindi mo ako hinintay! Sana nasabi ko sa’yo kahit sa mga huling sandali ng life mo.”
Week after, Allan was buried with Jenny still blaming herself na hindi niya nasabi kay Allan ang feelings niya. About Allan’s mom? Kayo na bahala kung anong nangyari sa kanya.
THE END
03:35 Posted in .historiyas. | Permalink | Comments (1) | Email this