20/06/2005
Hunyo ika-labinwalo
Hunyo ika-labinwalo: maraming nanyare sa araw na ito. Isa na rito ang pagpunta ko sa 1st mall tour ‘daw’ ng Hale. Hai... hay... chempre, sabado ang araw na iyon at kakatapos lang ng 1st week funk ko. Akala ko nga, pahinga na. yun pala, hindi pah-
Nakakainis! First week pa lang, bizi na ako! Review dito, paggawa ng assignment doon. Pag-iisip ng topic for our IP dito, pagsa-summarize ng research doon. Hay... hindi na nga ako nakapag-breakfast agad dahil sa mga iyon eh! (kung anong kaya mong gawin ngayon, huwag mo nang ipagpabukas pah).
At hayan. tapos ko na: tapos na ang pagsa-summarize ko, meh idea na ako para sa topic ng IP namin, nakapag-review na ako ng kaunti at tapos ko na rin yung assignment. Kapagod din yun! At after lang nun ako nakapag-breakfast (breakfast pa ba ang 10:30? Para sa akin, hindi na...)
Ayoko nang magsulat ng mahaba! Isulat ko na lang yung mga ginawa ko kahapon, hunyo 18, sabado-
-Gumising
-Nag-warm-up (pero, nakahiga pa rin ako)
-Kinuha ang libro
-binasa
-sinammarize (sinammurize ko yung binasa koh! Hindi naman ako henyo para isummariza ang libro diba!?)
-isinulat sa scratch paper (ang summary)
-binasa ulit (ang libro at ang summary)
-inedit (ang summary)
-isinulat namag-uil sa malinis na papel (ang summary)
-habang nagsasummarize, pinahinto si Nina (kasi, pinapatugtog ni ate yung cd niya...)
-binuksan ang telebisyon
-nilipat sa cannel 23
-nanood ng OPM myx countdown (at talagang nakapanood pa ako sa lagay ko na iyon)
-hinintay ang ‘the day you said goodnight’
-napanood ulit ang myx live performance ng hale na ‘the day you said goodnight’ @ #2 (sa OPM myx countdown)
-kumain (ng almusal-tanghalian)
-nanood ng ‘fruits basket’ habang kumakain (ng almusal-tanghalian)
-kinuha ang gitara
-nag-strum (isang strum lang. walang magawa weh!)
-naligo (sa banyo gamit ang tubig, sabon, shampoo...)
-nagbihis (ng damit!)
-nag-ayos para pumunta sa rob ermita (stop-over lang yun...)
-pumunta sa sm Manila (the destination)
-pumunta sa 5th floor (gamit ang escalators. Mmm... mga 4 yata.)
-hinanap ang lugar kung saan magaganap ang dahilan ng pagpunta namin doon
-nakita na namin
-pumunta sa harap (sa kabila ng ‘kakapiranggo’ na tao)
-hinitay lumabas ang hale (sandali lang naman kami naghintay)
-at sa wakas, lumabas na sila (ang hale. Sino pa ba!?)
-omnie (mahina na malakas)
-sheldon (ok na!)
-roll (medyo malakas)
-champ (susmeh! Puro kababaihan ang narinig ko! Tili dito, tili doon. Pati yata, lalaki, tumitili! Hay! Pamatay talaga ang ‘beauty’ ni champ! Haku, wala lang! kalmado lang. talagang panonood lang ang sadya ko dun.)
-amm... nagsalita. Kumanta (take no) w/ d crowd
-kumanta (broken sonnet) w/ d crowd
-kumanta (here tonight) si roll lang yan... xempre! serious ang song kaya dapat, quiet lang...
-kumanta (wishing) w/ d crowd
-kumanta (kahit pa) w/ d crowd
-kumanta (the day you said goodnight) w/ d crowd
Oops! p.s. lang! hindi ko na kasi maalala yung order ng songs kung kelan nila kinanta yun (pero parang sure na ako na tama ang order ng mga yan...). Hayan lang ang natandaan koh... pero, hayan talaga yung mga kinanta nila. HAYAN! hayan! HAYA! Haya!!
*peste! Nakakainis! Pano kasi, ang SM, pinagkakitaan ang mall tour ng hale! Siguro, ganun na talaga yung pinagplanuhan nila. Or baka kasama na talaga iyon sa gusto ng hale pati ng manager nila. Kasi, sabi ng guards at nung ibang promoter, bawal pumasok sa loob ang walang kopya ng album nila (hala! Gawin bang ticket ang album nila!? Ang mahal ah! 250! Pasaway na management!).
Paano yun? Meh copy ako? Bakit hindi ako nakapasok?
Kasi, dapat daw, sa SM mo mismo binili (dun sa mismong venue). At kung halimbawa namang hindi mo binili doon, you have to present daw your receipt na proof raw yata na binili mo talaga yung copy.
Kaya, dahil doon, hindi kami nakapasok (kasama ko nga pala ate koh). Hindi naman kami maxadong naghintay sa labas kasi pinapasok / nakapasok rin kami ng kaagad. Nakapag-decide na raw kasi sila:
==“sige! Lahat ng may copy ng album, kahit hindi dito binili, pwedeng pumasok.”==
Kaya, hayan! nakapasok rin kami sa loob (pito lang yata ang nakapasok kasi pito lang ang nakarinig).
Naghanap kami ng pwestong maganda. Yung bang pwestong kitang-kita namin si champ, Sheldon, omnie at roll. At iyon ay ang pwesto namin: sa gitnang harap. (cute ni champ!)
grabeh! simula nung nakapasok kami, nafeel ko na yung enjoyment. Sumasayaw na kami ni ate (yung sayaw na nageenjoy), kumakanta na rin xa (actually, sa ‘the day you said goodnight’ lang siya kumata. Yun lang xe alam xniya weh!). at ang pinakana-enjoy kong song (and I think pati yung crowd) ay yung ‘kahit pa’. grabeh! Sobrang gulo namin ni ateh! Kung anu-ano nang movements ang pinaggagagawa namin! At yung crowd ay talagang nag-enjoy rin. Na-feel nga naming gumagalaw yung floor weh! Kasi, yung mga tao sa labas, tumatalon! (astig talaga! Ganun ang mga gusto koh! Mala-bonez tour ang dating!!! \m/)-
-tapos, tapos na ang kantahan. Autograph signing naman.
-pumila
-nag-isip
-naglakad ng bahagya
-basta! Kung anu-ano na ang nagagawa koh. Antagal kasi weh!
-tinignan ang wrist koh.
-hala! Ang bracelet kong exclusively for third year ay nawala! Favorite ko pa naman yun... waaah!
-umasa (na makikita ko pah ang bracelet na iyon)
-naghanap (na crowd na di mahulugang karayom)
-nalungkot (dahil wala akong nakita) (aysus! Para namang makikita ko pa yon! Asa pah...)
-at finally, nakapagpa-autograph na.
-sheldon (na tila tinatamad na pagpirma) pero talagang maamo pala ang mukha niya...
-roll (na nagsabing ‘thanks’) na tila tinatamad na rin...
-omnie (na talagang may kaastigan rin ang kabuhukan) ang pinakamabait sa kanila...
-champ (na unang tinignan at kinausap ang ate koh)
-nakipagkamay sa kanya (sa ate koh)
-sa akin naman (sa kamay koh syempre)
-nagsulat
-nakipagkamay ulit (siya nakipagkamay sa amin...)
*petse! (ulit) paano kasi, iniwanan ni ate yung chelpown niyang meh camerah! Medyo nanghinayang rin ako dahil kasi, parang first and last mall tour na iyon ng hale na mapupuntahan koh, tapos wala pang remembrance! Pasaway talaga!
-tapos, labas na (hindi ng SM)
-naggala
-kumain
-naglakad
-kumain ulit
-umuwi
-iminom ng C2 (apple flavor)
*pagdating ko sa bahay, may balita akong nalaman: nag-guest pala sila sa eat bulaga! Kayamot! Pati pala ang sponge cola ei nandun rin! Hay naku naman talaga! Ayoko nah! Pero, ayus lang! at least, nakapunta naman ako sa first mall tour ‘raw’ nila...
-kumain
-sinubukang tugtugin ang ‘bent down’
-nanood
-binukasan ang computer
-isinulat ito
-pinatay (ang pc)
-naglinis (da body, da body)
-nag-text habang nakahiga (marami-rami rin yun) pero, hindi ko sila tinext about dun sa pagpunta ko sa mall tour ng hale. Wala lang! parang simpleng text lang... ung usual kong ginagawa.
-pumikit
-natulog
Hayun lang!
13:00 Posted in .dear diary-. | Permalink | Comments (1) | Email this
Comments
wala talagang makakatalo sa hale
Posted by: wilmar | 16/02/2006
Post a comment