17/07/2006
brainOVERheart.heartOVERbrain.panuNA?
nabawasan ng 2 days ang school days ko...
walang pasok nung wednesday, july 12. JULY 12! birthday ni JOMAR at ni MEL 'yun, diba? oo, birthday nila! sabay. SABAY! wuhuhu! SOULMATES! buti na lang at natanggap ni jomar yung pagbati ko sa pamamagitan ng napakaSAGRADO kong TEXT. saka sana, ni-save rin niya yung napakaSAGRADO kong NUMERO. tuwang-tuwa talaga ako nung sinabi niya sakin sa library na "thanks ha!" para dun sa pagbati ko sa kanya. yikkie! parang gusto kong magsisisigaw dun sa loob ng LIBRARY! wahaha!
medyo masama nga pakiramdam ko nung araw na iyon eh. at dapat hindi ako papasok kasi BUMABAGYO pero pumasok pa rin ako. eh kasi may LONGTEST sa RESEARCH, QUIZ sa ENGLISH, at RECITATION sa ECONOMICS. andami sanang gagawin kaso biglang in-announce ni SIR CRUZ sa library na "WALANG PASOK, MAGSIUWI NA KAYO." yehey! ang-ingay sa library! sigawan at nagbulyawan 'yung MOLAVE. chimri, naki-join ang RIZAL. ako yata may pinakamalakas na ingay na nagawa eh. medyo may ginawa kasi ako sa isang upuan kaya medyo umingay sa loob ng lib. buti hindi nabasag yung tiles na sahig. nyahaha! [narinig niyo ba 'yun? sana hindi...]
hayun, pagkatapos ng research nag-uwian na. pero 'yung mga members ng PROBE except yung MAG-ASAWA--hurm, kilala niyo na sila. ABAH! basta 1000000% hindi ako 'yun--hindi pa muna umuwi. ipapa-scan sana namin 'yung mga pictures na kailangan kaso dahil magsasara na raw ang school kasi nga walang na raw pasok, hindi na namin nai-save yung pictures. nakakainis, wala kasi kaming scanner dito sa bahay! ='( wala naman kaming gaanong gagawin kaya ginawa na namin yung Probe dito sa bahay.
magkakasama kami nina NORIZA, CLAIRE, JANINE, KIRSTIE, JOYCE, at PHILIPP bago umuwi. BABAE kami lahat. wahaha! kaso, nung papunta na ng bahay namin, sina noriza at claire lang ang kasama ko. si joyce umuwi na. sina janine, kirstie at philipp susunod daw. at talagang dapat sumunod sila dahil "bibigwasan" ko sila sa susunod na magkita kami! wahahaha!
namili muna kami ng pagkain sa GROCER E [sa ampid] bago sumakay ng tricycle papuntang bahay. pagkain namin yun. ang binili ni noriza ay dalawang plastic ng MARIE--at sa wakas, nakakain ulit ako nun. si claire naman ay isang bote ng NESTEA ICED TEA na inumin niya at isang balot ng SUPER THIN ang binili--favorite lahat a! ako, haykeyk binili ko. merienda namin sa hapon. ang saya! FOOD TRIP! =')
pagdating sa bahay, pagkatanggal ko ng mga sapatos ko, pumunta na ako ng living room at binuksan yung PC. tas haeion, inumpisahan na naming gawin yung first quarter issue ng Probe. tapos, dumating na si ate galing 'di ko alam. dumeretso siya ng kwarto. natulog.
balik tayo. habang ginagawa namin yun, dumating na ang mga kumag--kirstie, janine, philipp [joke!]. hayun! umingay na ang bahay. tawanan dito, lokohan doon, lahat na! buti nga at wala si mimi eh. kundi, sobrang gulo na ng bahay namin at baka wala nang mauwiang matinong bahay ang tatay ko 'pag nagkataon.
medyo marami-rami rin kaming nagawa nung araw na iyon. at isa na doon ay ang pagluto namin ng haykeyk na binili ko. ang saya! sobrang gulo nila! [actually, KAMI pala...] ang ingay na sa loob ng kusina tapos ang haharot pa! pinaglaruan na namin yung hotcake. kung anu-ano na ginawa naming shapes. fortunately, nakagawa kami hugis HEART, TRIANGLE, at syempre CIRCLES. haha! nagmerienda na kami sa sala pagkatapos maluto yung hotcakes. aammmm! tsalap!
nung july 13 rin walang pasok. official pala na walang pasok nung araw na yun? hindi na ako pumasok nung araw na yun at hindi rin ako nangtanong sa skul kung may pasok o wala. basta hindi na lang ako pumasok. buti na lang at talagang walang pasok. lakas talaga ng FEELING ko!
this day, nakaayos na ang schedule ko. dapat ay pupunta ako kina RACHEL MARRA para magreview [sabay kami] pero sa kasamaang palad, nung tinanong ko ang tatay ko kung maaarin ba akong lumabas, heto ang kanyang answer: "wag ka muna umalis anak, baka magkasakit ka ulit. bumabagyo pa." hindi na ako umangal kasi feeling ko, tama ang tatay ko. pero, bakit ganun? pinayagan niya akong samahan si ate na bumuli ng libro sa RECTO? ... anung problema? ...
yehey! naggala na naman kami ni ate!
'yun lang...
01:48 Posted in .dear diary-. | Permalink | Comments (0) | Email this
Post a comment