25/08/2006
Filipino Week..kakaantok!
ola! nandirito na naman ako, dadaldal. selebrasyon ng Linggo ng Wika ngayon at dapat, wala kang mababasang ENGLISH word dito. kaya sa pagbabasa mo sa buong sasabihin ko dito, hindi dudugo ang ilong mo.. haha! [subukan natin..]
medyo nagsisimula na akong tamarin matulog nitong mga nakaraang linggo, hindi ko mawari kung bakit at sa kung anong kadahilanan. siguro dahil iyon sa dahilang tinatamad na rin akong mabuhay. [nagdadrama na naman ako, hindi naman daw bagay sa akin.. wazhu!]
nananabik ako sa kanya! bakit ba tinaggal yung PRINCE MACKAROO!? hindi ba nila alam na maramina ang nahuhumaling sa palabas na iyon? maging ang mga kamag-aral ng ate ko, naiibigan na rin ang palabas na iyon.. tapos biglang mawawala!!?? putris, bakit ganun!?
nga pala.. linggo nga pala ng wika ngayon. may program mamaya [wahaha!].. yun lang.. masaya lang ako kasi wala kaming Economics, wala ring quiz. yehey!
teka, magpa-practice na kami.. hanggang dito na lang! peace out!
05:05 Posted in .dear diary-. | Permalink | Comments (0) | Email this
Post a comment