22/08/2006

Filipino week..hindi na nakakaantok!!


hai..

what an experience! ai, dapat nga pala hindi ako mag-ingles dito.. hek! bahala na! kung ano na lang masabi ko, yun na!


hay nakooo, ano bang nangyari!? lagi na lang akong ganun.. tuwing practice, MAGALING. pero kapag actual performance na, HINDI PA NANGYAYARING HINDI AKO PUMAPALPAK..
nakooo! ayoko na! andami pa namang tao nun! at take note, sa performance ng bawat isa sa amin nakasalalay ang grade namin sa GAWAIN.. wah!! hindi ko na alam ang magiging reaksyon ko sa nangyari.. kasi ganito po ang tunay na nangyari-
+bago kami sumayaw, hinanda namin ni tzupat yung tape. tapos nung ready na yung tape, tinawag na kaimi. yung mga kuko ng gurls nakasuot na. yung pamaypay nila, nakaayos na rin. ako? hayun! tumakbo papuntang stage [kasi nag-umpisa na yung tugtog at nasa formation na rin sila pero ako nasa baba pa ng stage]. nilapag ko yung pamaypay ko sa hagdan sa stage at umakyat sa entablado habang isinusuot ang mga kuko ko. pasimple akong naglalagay ng kuko sa harap ng maraming tao!! hayustd!! medyo na-disappoint lang ako sa mga kasama ko kasi HNDI NILA AKO HININTAY NA MAAYOS YUNG SARILI KO.. para bang ano.. hayness..
pagkababa namin [first batch] sa stage, hinanap ko na agad yung pamaypay ko. at alam niyo ba, WALA AKONG NAKITANG PAMAYPAY. damn!! nag-panic na ako ng sobra nun!!! kasi, saglit na lang, aakyat na ulit kami.. tapos yung kinatatakutan kong mangyari, nangyari na.. nahuli ako ng akyat sa stage kasi sa kabilang hagdan pa yung entrance ko.. sumasayaw na sila, ako sumisimpleng gumalaw na rin.. thank God at nahawakan ko kaagad yung braso ni tzupat [salamat po, Papa God..] at nakapagsayaw na rin ako ng maayos..+


-hayun.. after nung performance, i hurriedly made a survey. ang tanong ko: "mukha ba akong na-late ng pagpasok kanina?" kasi nawala na talaga ako sa sarili ko nung mga oras na iyon. si miss president sabi "medyo pero buti nakahabol ka.." meron ding sumagot na "medyo.. pero kasi alam na namin yung sayaw niyo kaya alam namin kung anong mali.." pero ang karamihan sa kanila sabi, "MEDYO, pero ang galing mo.. kasi nakasabay ka pa rin.. ang galing mo talaga." [kelangan ba talaga niyan?] pero kinakabahan pa rin ako.. kasi, sobrang praktisado at sobrang alam ko na yung sayaw tapos dahil lang sa isang pagkakamali, magugulo mundo kO?? huh! pero sobrang thankful talaga ako at tinulungan ako ni Papa Lord.. =')

woohoo! alam niyo bang super duper to the fth power ang aking pagiging proud?? kasi... kasi... wooohooo! MISS ROOSEVELT COLLEGE SAN MATEO SI GELLIE!! wiiiiiie!! sobrang nabiyayaan talaga kasi siya e.. [tama ako, diba!?] grabe! halos maubos na yung powers at boses at lakas at ngiti ko nung banggitin yung pangalan niya bilang miss Roosevelt College San Mateo 2006!! i'm so proud na friend ko siya.. para akong may kaibigang artista!!! XD meron akong picture niya kaso nandito pa sa phone ko..

heto lang.. pahinga lang ako a.. medyo nakakapagod rin kasing tumambay sa mcdo after ng klase.. neks taym wulit!

Post a comment